Limang Tula
ni José Corazón de Jesús
Limang Tula
ni José Corazón de Jesús
Limang Tula
ni José Corazón de Jesús
(i-click ang mga larawan)
Huseng Batute
(22 Nobyembre 1894–26 Mayo 1932)
Si Jose Corazon de Jesus ay itinuturing na pinakanangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Americano. Pinakapopular niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang kolum na may titulong Buhay Maynila.
Hinangaan si Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas. Siya ang itinanghal na unang Hari ng Balagtasan. Para siyang superstar noong panahon ng Americano kayâ ang kaniyang mga pagbigkas ng tula ay dinudumog ng madla. Pinakapaborito ng taum-bayan ang mga tulang “Ang Manok Kong Bulik” (1919), “Ang Pagbabalik” (1924), “Ang Pamana” (1925), “Pag- ibig” (1926), “Manggagawa” (1929), at “Isang Punongka- hoy” (1932). Nang mamatay siya noong 26 Mayo 1932 ay nagluksa ang bayan at isa sa pinakamahabàng libing sa kasaysayan ang paghahatid sa kaniyang bangkay sa Cementerio del Norte.
Lumikha rin si Batute ng mga titik para sa mga kanta. Pinakapopular sa mga ito ang “Bayan Ko” na naging pangunahing kantang tagapagpahayag ng pagmamahal sa bayan at sa kalayaan hanggang sa kasalukuyan.
Sintesis
Sa mga tinalakay na tula sa kurso, napakaraming aral ang aking nakuha para sa aking kaisipan. Sa pangkalahatan nagmulat ito sa aking mata sa mga bagay na hindi ko gaanong binibigyang halaga. Tulad nalang ng mga taong nagbibigay serbisyo upang mabigyang buhay ang bansa, kung tutuusin sila itong mga nasa ibaba ang karapat-dapat pagtuunan ng pansin ng bawat isa satin. Nagbigay gabay din mga aralin sa kursong ito sa pang-araw-araw kong buhay; ang buhay ay puno pagsubok, kaya naman dapat lamang tayo’y matuto sa mga pagkakamali natin at gamitin ang ating karanasan sa paggawa ng mabuti o progresibong kilos na makatulong sa pagpapaunlad ng lipunan at buong bansa. Sa kanya ring mga tula natunghayan ko ang historya ng ating bansa sa mga panahong nagsisimula pa lamang ang bansa patungo sa industriyalisasyon.